65
arrested
By

Bading na lolo, kalaboso sa panghihipo sa service crew

Sharing is caring!

Inireklamo ang isang 66-anyos na bading na lolo ng isang service crew nang hipuan nito sa loob ng isang pribadong silid sa Chinese General Hospital (CGH) kagabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Kalaboso ngayon sa Manila Police District-Police Station 3 (MPD-PS3) ang matanda na si Manuel Ang, residente ng No. 244 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila, nang magsampa ng reklamo si Allan, hindi tunay na pangalan, empleyado ng Chowking Blumentritt St. branch.

Sa reklamo nito kay PO2 Gimen Se, nangyari umano dakong alas-6:30 ng gabi ang panghihipo ng bading na lolo nang ihatid niya ang order na pagkain nito sa Room 1528 CGH old building.

Pagpasok niya sa silid ay sinamantala umano ng suspek na hawakan at himas-himasin ang ari niya at nagawa itong isubo.

Nakapalag ng biktima at nakalabas ng kuwarto saka nagsumbong sa security office ng ospital na siyang nagdala sa suspek sa himpilan ng pulisya.

Nabatid na sa nasabing private room ay may naka-confine na isang matandang babae at bantay lamang ang suspek ng pasyente.

Nakatakdang i-inquest sa Manila Prosecutor’s Office sa reklamong Acts of Lasciviousness ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?