256
Bad shot? Lillard tumawa lang sa banat ni George
By

Bad shot? Lillard tumawa lang sa banat ni George

Kung si Paul George ang tatanungin, ‘bad shot’ ang ginawang tira ni Damian Lillard para patalsikin ang kanyang team na Oklahoma City Thunder sa playoffs.

Sa panayam kay George matapos ang laban, saad niyang wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba na iginiit na masamang tira ang binitawan ni Lillard.

“That’s a bad shot. I don’t care what anybody says. That’s a bad shot. But hey, he made it. That story will be told. It was a bad shot. You live with that,” ayon kay George matapos ang kanilang 118-115 loss.

Naging maikli naman ang tugon ni Lillard, tila walang amor sa sinabi ng OKC star.

Sa nasabing laban pinukol ni Lillard ang 37-feet shot para pabagsakin ang OKC sa postseason.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?