118

Apr 26, 2019 @ 9:08
By

Bad shot? Baka bad defense! – Lillard kay George

Kinontra ni Portland Trailblazers star Damian Lillard ang naging pahayag ni Oklahoma City Thunder forward Paul George na tinawag na ‘bad shot’ ang kanyang pampanalong tres sa Game 5 ng kanilang first round series.

Saad ni Lillard sa podcast ng kanyang kakampi na si CJ McCollum, matagal na niyang pinapraktis ang tira na ‘yon para magamit sa laro.

Aniya pa, kung para sa iba ay wala sa hulog ang kanyang tira, para sa kanya ay komportable siya sa 37-foot jump shot.

Kung mayroon daw dapat sisihin ang sarili, iyon ay walang iba kundi si George na sinabing dapat aniya ay mas ginandahan ang depensa para hindi siya nakalusot.

“For him to say that’s a bad shot, I mean, that’s just kinda being a poor sport. If anything, it was bad defense. ’Cause I had the ball in my hands with two seconds [left] and I wasn’t going to drive, so maybe he should have just bodied up,” ayon sa Portland star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?