118

Dec 14, 2017 @ 14:07
By

‘Bad science’ ang Dengvaxia – health expert

Inihayag kanina si ng isang epidemiologist sa Senado na biktima ng ‘bad science’ ang mga naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa pagharap sa Senate blue ribbon committee, sinabi ni Dr. Antonio Dans na resulta ng bad science ang bakuna.

Nagkaroon na umano noon ng mga babala na delikadong gamitin ang bakuna lalo na sa hindi pa nagkaka-dengue pero itinuloy pa rin iyon ng Department of Health.

“In my opinion, the whole problem started with bad science. That’s the root of the problem, that bad science,” ayon kay Dans.

“That signal was ignored and in that opinion, we are all victims of bad science. The WHO (World Health Organization) is a victim of bad science, the DOH (Department of Health) is a victim of that bad science. The physicians who ended up prescribing it and the patient who ended up or receiving it were all victims of that bad science,” pahayag ni Dr. Dans.

Ayon sa doktor, hindi isyu sa bakuna ang edad ng naturukan kundi kung nagkaroon na o hindi pa ng dengue ang nabigyan nito.

“That signal was ignored and in that opinion, we are all victims of bad science. The WHO (World Health Organization) is a victim of bad science, the DOH is a victim of that bad science, the physicians who ended up prescribing it and the patient who ended up or receiving it were all victims of that bad science,” dagdag nito.

Nang tanungin tungkol sa dito, sinabi ni Thomas Triomphe, head ng Sanofi Pasteur for Asia Pacific na manufacturer ng Dengvaxia, na hindi sila pumapasok sa bad science.

“We are not engaged in bad science. Sanofi is engaged in scientific facts and empirical data,” diin nito.

Ang pagbabakuna ng Dengvaxia ay inumpisahan ng Aquino administration sa pangunguna ni dating DOH Secretary Garin.

Ipinagpatuloy ito nitong Duterte administration sa pangunguna ni dating DOH secretary Paulyn Jean Ubial.

Idiniin naman ni Dr. Anthony Leachon, dating myembro ng DOH Expert Panel na nag-aral sa Dengvaxia, hindi maaring sisihin dito sina Aquino at Garin dahil maaring mali ang impormasyon na kanilang natanggap buhat sa Sanofi Pasteur.

“If the bad science or wrong information has been fed to the President, how can you blame the President? Or even the WHO or even Secretary [Janette] Garin?” Leachon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?