105

Jan 14, 2021 @ 14:22
By

Bad precedent: Drilon: Cong. Garbin is wrong

Inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mali umano sinabi ni House committee on constitutional amendments chairperson Alfredo Garbin Jr. na kanyang komite ay umuupo na bilang Constituent Assembly (Con-Ass) nang magpatuloy ang mga kongresista sa pagdnig ng panukalang amiyendahan ang Konstitusyon.

“Cong. Garbin is wrong. The Congressmen and Senators were elected as members of Congress and AS LEGISLATORS TO ENACT ORDINARY LAWS, NOT AS MEMBERS OF A CONSTITUENT ASSEMBLY TO PROPOSE AMENDMENTS TO THE CONSTITUTION,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

“I suspect that Cong. Garbin is laying the basis to claim that the House alone, even without any Senator participating, can propose amendments to the Constitution. Such claim is totally baseless, but a dangerous precedent,” dagdag nito.

Ayon kay Drilon, dapat i-convert ng House of Representatives at ng Senado ang kanilang sarili sa Con-Ass sa pamamagitan ng isang resolusyon bago isulong ang panukalang amiyendahan ang Saligang batas, kung saan ang dalawang Kongreso ay hiwalay na magbobotahan.

“Absent that resolution of both Houses, the proceedings in the House Committee CANNOT ASSUME THE FUNCTIONS AND POWERS OF A CONSTITUENT ASSEMBLY,” sabi ni Drilon.

“I suspect that Cong. Garbin is laying the balls to claim that the House alone, even without any Senator participating, can propose amendments to the Constitutions. Such claim is totally baseless but a dangerous precent,” dagdag nito.

Nauna rito, sinau ni Garbin sa pagdinig ng House constitute committee na umuupo na silang bilang Con-ass dahil tinatalakay na nila ang panukalang pag-amiyenda sa Saligang batas.

“When we deal with or propose amendments to the Constitution, we are sitting as a con-ass. Hindi tayo kailangan magbagong-anyo na kung saan iba ‘yung suot natin o magsama-sama tayo,” sabi ni Garbin.

“Every time we deal with proposing amendments to the Constitution or revising the Constitution, we are sitting as a con-ass exercising our constituent power,” dagdag nito.

Sinang-ayunan naman siya ni vice panel chair at Iloilo 3rd Dist. Rep. Lorenz Defensor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?