262

By

‘Bad Boyz’ ng Gilas Pilipinas, ibalik! – Blatche

Sharing is caring!

Sabik nang muling makasama ni naturalized player Andray Blatche ang kanyang mga kabaro sa Team Pilipinas, at kanya ring hiling na sana’y makabalik na ang dalawang manlalaro pa sa national team.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng dating NBA journeyman na mukhang kailangan na umano ng PH team ang ‘bad boyz’ kung saan makikita siya sa larawan, kasama sina Jayson Castro na nakapaglaro na kontra Iran, Terrence Romeo at Calvin Abueva.

“3 of us are missing I’m sure they ready as well let’s do wats need to be done “the bad boyz”” saad sa caption ni Blatche.

Pwede nang makasama sa pool sina Blatche at Romeo, ngunit ibang kaso si Abueva na dalawang laro pang suspendido dahil sa naganap na Fiba basketbrawl ng Pilipinas at Australia noong nakaraang Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }