10

Oct 17, 2020 @ 17:46
By

Bacolod newspaper pinadapa ng COVID

Namaalam na sa sirkulasyon ang isa sa pinakamatandang dyaryo sa Bacolod City dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Epektibo ang pagsasara ng Visayan Daily Star (VDS) noong Oktubre 16, makalipas ang may 38 taon na paghahatid ng balita.

Ayon sa ulat, nasa 31 empleyado mula sa editorial, marketing hanggang sa printing department ang apektado ng pagsasara ng naturang pahayagan.

Kino-cover ng VDS ang mga kaganapan sa Bacolod, Negros Occidental at Negros Oriental.

Sa Facebook post ng reporter ng pahayagan na si Marchel Espina, sinabi niyang na-shock sila nang malaman ang pagsasara dahil batid niyang nagkakaproblema ang newspaper outlet pero hindi nila alam na ganoon kalala.

“We learned about the closure and our termination in late July. We were shocked then. I know the paper is having trouble, but I didn’t realize it was that dire. We were initially told that we won’t have jobs anymore by end of that month. We insisted that the workers be given a 30-day termination notice as a courtesy so we will have time to look for new jobs,” aniya.

“We were told that we will close down by end of August. But September came, and we were still working. We finally received the termination notice on the second week of September. We were told that our last day of work will be on October 16.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?