14

Apr 26, 2021 @ 15:26
By

Bacolod mataas peligro sa COVID

Kinategorya ng Department of Health-Western Visayas ang Bacolod City bilang “high-risk” dahil sa pagsirit ng COVID-19

Sa nakalipas na dalawang linggo, ani Dr. Marie Jocelyn Te, DOH Region 6 chief for infectious diseases, nakaranas ang Bacolod City ng 15 porsiyentong pagtaas sa COVID-19 case.

Kasalukuyang 900 ang active case sa Bacolod.

Samantala, karamihan ng lugar sa Western Visayas, kabilang ang Aklan, Antique, Guimaras at Negros Occidental pati Iloilo City, ay nasa kategoryang “low-risk”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?