286

Sep 26, 2019 @ 10:25
By

Baclao out buong season, Aces hahanap ng kapalit

Hahanap ng bagong big man mula sa depleted roster ang Alaska para punan ang kakulangan sa gitna dahil sa pagkawala ni center Noy Baclao.

Out na sa buong conference si Baclao dahil sa inabot na knee injury sa opening game ng Aces sa PBA Governors Cup nitong Biyernes sa MOA Arena.

Katunayan, aabutin ng mula 8-10 months magpapahinga ang dating Ateneo star habang nagpapagaling mula right patellar tendon.

Wala pang isang minuto ang nakakaraan sa fourth quarter ng 117-110 loss ng Aces sa Columbian, bumagsak si Baclao nang mabigyan ng hard foul ni Andreas Cahilig.

Ilang minuto ring nanatiling nakahiga sa court ang 32-anyos na si Baclao bago isinakay sa stretcher papasok ng dugout. Maya-maya ay diniretso na ng ospital.

Injured din sa Aces sina Jeron Teng, Kevin Racal at bagong recruit na si Maverick Ahanmisi.

Si veteran Sonny Thoss ang pangunahing sentro ni new coach Jeff Cariaso.

Puwede si Gideon Babilonia, pero malamang, huhugot si Cariaso sa ilang bigs na natural forwards tulad nina Vic Manuel, Jake Pascual, at si Racal kapag nakabalik na.

Isa pang forward ang new acquisition ding si Abu Tratter. Si import Justin Watts ay small forward.

Inumpisahan ang season-ending conference sa 0-2, dadayo ng Sta. Rosa, Laguna sa Sept. 29 ang Aces para hamunin ang San Miguel Beer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?