72

By

Baclao masama bagsak binuhat sa stretcher

Kabubukas pa lamang ng season ending PBA Governor’s Cup ay agad na nabawasan ng isang manlalaro ang Alaska Aces matapos na magtamo ng matinding injury ang sentro nitong si Noy Baclao sa ika-11:02 minuto ng aksiyon na ininda ang kanan nitong tuhod.

Hangad ni Baclao na ilapit pa ang Aces sa 83-95 paghahabol sa ginawa nitong pag-atake subalit nablangka ang nais nitong lay-up at masama ang pagkabagsak ng kanang hita.

Hindi na nagawa pang makatayo sa nasabing tagpo at inilabas na naka-stretcher sa pagsisimula ng ikaapat na yugto.

Agad na dinala sa dug-out si Baclao at inaasahang isasailalim sa MRI upang malaman kung hanggang saan ang natamo na injury at posibilidad na makabalik pa sa torneo.

Hindi nakalaro para sa Aces sina Derrick Ahanmisi, Kevin Racal at Jeron Teng na mayroon ding mga injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?