74

Oct 31, 2019 @ 9:46

Backstreet Boys gustong tumira sa ‘Pinas

Dumagundong ang Mall of Asia Arena nitong Lunes, October 28, matapos dagsain ang concert ng American boy band na Backstreet Boys.

Muling hinarana nina Brian Littrell, Howie Dorough, Nick Carter, AJ McLean at Kevin Richardson ang Pinoy fans matapos ang apat na taon nang huli silang bumisita sa Pilipinas.

Hindi magkamayaw ang mga Pinoy na dumalo sa “DNA World Tour” concert ng grupo matapos kantahin ang mga sikat nitong awitin gaya ng “Everybody,” “Quit Playing Games,” at “As Long As You Love Me.”

Ipinarinig din ng grupo ang pinakabago nitong kanta na “Don’t Go Breaking My Heart” at “Chances” mula sa ika-siyam nilang album na pinamagatang “DNA.”

Ang “DNA World Tour” ang 25th anniversary tour ng Backstreet Boys para patunayang kaya pa rin nilang umindak “like it’s 1999” kahit pa nasa 30 hanggang 40-anyos na ang mga ito.

Sa isang parte pa ng concert, sinabi ni Nick na kaya niyang tumira sa ‘Pinas.

“I know it’s been a little while since we’ve been here, okay? But now that we’ve been back and we have a couple of days. I walked around town a little bit and I’m like, ‘You know what? I think I can actually live here!’,” aniya, na inilarawan ang Manila crowd bilang ‘loudest singing crowd’ sa lampas dalawang dekada ng grupo.

Sinegundahan naman ito ni Kevin, na nais rin manirahan sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?