37

Jun 20, 2020 @ 18:20

Backride malapit na payagan – Roque

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malapit nang payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang backride o pag-aangkas sa motorsiklo.

“Pinapayagan na in principle ang back riding upon the approval of the requirements na ise-set ng technical working group. Hintay-hintay na lang po muna,” pahayag ni Roque sa Laging Handa public briefing Sabado ng tanghali.

Gagawa aniya ng mga panuntunan para sa safety protocol sa pag-aangkas sa motorsiklo.

Pinagbawal ng gobyerno ang backride sa panahon ng quarantine dahil na rin sa kawalan ng social distancing sa motorsiklo.

Pero sinabi ni Roque na tinitingnan na ngyaon ng IATF kungano ang pinakaligtas at epektibong paraan para sa mga backrider.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?