43

Feb 9, 2019 @ 13:21
By

Backpack ipagbabawal sa mga mosque sa Davao

Matapos ang naganap na pagsabog sa Jolo at Zamboanga City, nagpatupad ng ‘no backpack policy’ ang Davao City sa loob ng mga mosque.

Isinagawa ng worship leader ng Muslim community sa Davao ang naturang desisyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga mananampalataya sa lahat ng mosque sa Davao.

Bukod sa backpack, ipinagbabawal din ipasok sa worship area ang mga malalaking plastic bag at box.

Isasagawa rin ng mga awtoridad ang profiling sa mga kahinahinalang tao.

Nagsimula nang makipag-ugnayan si Task Force Davao Commander Nolasco Mempin sa mga Davao City imam (worship leader) hinggil sa implementasyon ng naturang ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?