10
views

By

Background investigation sa recruitment ng PNP, may problema – PNP chief

Sharing is caring!

Aminado si Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde na may problema sa paraan ng recruitment partikular sa background investigation na ginagawa para sa mga aplikante ng PNP.

Ito’y matapos maaresto ang tatlong pulis na nagpanggap na mga PDEA agents para lamang makapangikil na kinilalang sina PO1 Radam Manglicmot, PO1 Edmar Cayanan at PO1 Jeff-Pee Calaguas mga nakatalaga sa Anti Crime Office ng Manila Police District.

Sinabi ni General Albayalde, iniutos niya na sa kanyang pagupo bilang hepe ng pambansang pulisya ang pagpapagting at pagpapahusay sa pagsasagawa ng background investigastion.

“I think talagang sa recruitment meron na po talagang problema siguro sa aming background investigation kailangan talagang paigtingin yan,Actually yan po ang isang direktiba na kailangan paigtingin, paghusayin yung aming background investigation bago po makapasok yung isang tao para magpulis” sinabi ni Albayalde.

Aniya, madalas ang paraan sa pagsasagawa ng background investigation ay tinitingnan lang ang diploma, kino-confirm saan nagtapos ng pagaaral ang aplikante, at kung walang kaso sa Regional Trial Court (RTC) o Municipal Trial Court (MTC).

Sa bago aniyang proseso, pinapapirma ang pulis na nagsagawa ng background investigation sa aplikante dahil kapag kalaunan napatunayang may kaso pala ang aplikante na naaprobahang makapasok sa PNP babalikan ang pulis na nagsagawa ng background investigation at kasama ito sa mananagot.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?