81

Nov 8, 2017 @ 17:31
By

Background check sa VIPs na may police protection, sisimulan na

Sisimulan na ng Police Security Protection Group (PSPG) ang pagsasagawa ng complete background investigation sa mga ‘very important persons’ o VIPs na nagre-request ng police protection.

Ito ay matapos aminin ni Philippine National Police (PNP) PSPG Chief, Supt. Joel Crisostomo de Leon Garcia, na hindi sila nagsagawa ng thorough background investigation kay Diana Uy noong unang pagkakataong humiling ito ng protective security personnel sa PSPG.

Si Uy ay ang negosyanteng nahulihan ng P10M halaga ng shabu kamakalawa at anak ng tinaguriang drug queen na si Yu Yuk Lai.

Una nang ipinaliwanag ni Garcia na tanging threat assessment lang ang ginawa ng Directorate for Intelligence at hindi kumpletong background investigation kay Uy, kaya hindi nila nalaman na anak pala ito ng convicted drug queen na si Lai.

Aniya, hindi naman kasi polisiya ng PNP na magsagawa ng kumpletong background check sa mga VIP, lalo na kung wala namang criminal record ang mga ito.

Pero aniya, dahil sa nangyari sa kaso ni Uy, kahit hindi pa polisiya ang imbestigahan ang personal na buhay ng mga VIP na nagre-request ng police protection, sila na mismo ang gagawa ng inisyatibo na magsagawa ng complete background check. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?