11

Nov 18, 2020 @ 13:58
By

Back-up gov’t center sa Tarlac pinatayo ni Duterte

Pinag-utos ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng isang national government administrative center (NGAC) sa New Clark City, Tarlac na magsisilbing “back-up” sa panahon ng kalamidad at emergency.

Sa kanyang Executive Order (EO) No. 119, sinabi ng Pangulo na ang NGAC ay magsisilbing “integrated government center outside the NCR [National Capital Region], and, in case of disaster, a recovery center and back-up administrative hub.”

Pinunto sa kautusan na ang Metro Manila ay “exposed to the threat of a catastrophic earthquake that may be caused by the movements of the West and East Valley Faults.”

Inutusan ni Duterte ang lahat ng mga ahensiya at departamento sa ilalim ng Executive branch na magtayo ng satellite o field office sa center sa Tarlac.

Hinikayat din ang lahat ng mga government-owned-or-controlled corporations (GOCC) maging ang legislative at judicial branches ng gobyerno na magtatag ng kaukulang tanggapan sa nasabing sentro.

“The establishment of a back-up government center outside the NCR supports the policy of addressing longstanding issues on the lack of sustainable employment opportunities in the countryside, unbalanced regional development, and unequal distribution of wealth,” ani Duterte sa EO na may petsang Nobyembre 17 at nilabas ngayong araw.

Kamakailan lang, hinagupit ang NCR ng Bagyong Ulysses na nagpabaha sa maraming lugar, kabilang ang Marikina na sinailalim na sa state of calamity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?