65

By ,

Back-to-back win sinakmal ng Uste

Standings W L

Ateneo 3 1

UP 3 1

DLSU 4 2

UST 4 2

FEU 3 2

Adamson 1 3

NU 1 3

UE 1 5

Mga laro sa Linggo/Marso 10

(Filoil Flying V Centre)

2 p.m. – Adamson vs FEU

4 p.m. – Ateneo vs UP

Itinarak ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses ang ikalawang sunod na panalo sa first round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball.

Tinalo ng Espana-based squad ang mas batang National University (NU) Lady Bulldogs sa loob ng apat na sets 26-24, 25-17, 23-25, 25-17 Sabado sa The Arena sa San Juan City para sa 4-2 win-loss mark.

“Maganda na kasi nananalo na kami, again ‘yung back-to-back na panalo napakalaging bagay talaga ‘yun sa amin kahit lahat nga ‘to hugot namin para kay Milena (Alessandrini),” sabi ni UST coach Kungfu Reyes. “Importante ‘yung moral nung mga bata, naka-recover na kami dun sa last few games namin na nasugatan kami.”

Agarang nasubok ang galing ng tropa ni coach Reyes nang magawa pang ma-extend ng mga ito ang first set hanggang sa dinomina ng mga ito at nakawin ang first set.

Mas naging dominante pa ang Tigresses sa second set at agarang napaamo ang Lady Bulldogs pero nag-iba ang lahat sa third nang umalagwa ang NU sa pagputok ni Ivy Lacisna at Princess Robles.

Nagawa nang manakaw ng UST 21-28 na bentahe at itarak ang 23-21 na kalamangan, may pagkakataon pa sana itong mawalis sa three sets ang laro pero umariba si Robles hanggang sa maselyuhan nito ang third.

“Nag-dictate na kami ng tempo pero isang mali lang kapalit tatlong mali, tatlong baba ibig sabihin ko. Kailangan namin i-polish ‘yung mga ganung sitwasyon,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?