35
Wesley So
Jan 19, 2018 @ 18:54
By

Back-to-back ‘W’ target ni GM So

Tudla ni Grandmaster Wesley So na sikwatin ang pangalawang sunod na panalo upang manatiling malakas sa asam na back-to-back titles sa 2018 Tata Steel Master sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Tangan ang tatlong puntos, haharapin ni 24-year-old So si GM Wei Yi ng China sa sixth round sa event na may 14-player single round robin.

Kumadena muna ng apat na sunod na draws si So bago kinalos si Indian GM Baskaran Adhiban sa round 5.

Kasalo si former Philippine chess team member So sa three-way tie sa fourth, kasama niya sina reigning World Champion Magnus Carlsen ng Norway at dating WC GM Vladimir Kramnik ng Russia.

Siksikan naman sa top spot sina GMs Anish Giri ng host country, ex-world champ Indian GM Viswanathan Anand at Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan kapit ang tig-3.5 puntos.

Sakaling manalo si So, posibleng umakyat siya sa unahan, depende sa magiging resulta ng mga laro nina Giri, Anand at Mamedyarov.

Bitbit na ni So ang bandera ng Amerika sa kanyang lamesa tuwing makikipagtuos sa kapwa GMs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?