By

Back-to-back losses babasagin ng TNT

Sharing is caring!

Hinahanap pa rin ni coach Nash Racela ang tamang kombinasyon, ina-adjust ang kanyang sistema para mabasag ng TNT KaTropa ang back-to-back losses sa PBA Philippine Cup.

Pagkatapos ng 93-78 loss na natikman sa Ginebra noong Linggo ay dumausdos ang KaTropa sa 4-5 para solong okupahan ang eighth spot. Top eight lang pagkatapos ng 11-game eliminations ang aabante sa next round ng season-opening conference.

Bago iyon ay nasingitan ng Phoenix ang TNT 74-72 noong Feb. 7 sa MOA Arena.

Balik ng Smart Araneta Coliseum ngayon ang Texters, haharapin sa pambungad na sultada ang nasa ilalim lang nilang GlobalPort (3-5)

“We just need to break the losing streak,” wika ni Racela. “We’ll just have to find ways to win the next one. We don’t really have a choice but to focus on the next game gain, hopefully we win the next one.”

Pagkatapos ng Batang Pier, matagal-tagal magpapahinga ang TNT bago ang huling asignatura sa Feb. 28 kontra NLEX.

Noong nakaraan ay nagsabay na starters sina Jayson Williams at RR Pogoy na bahagi ng adjustment na ikinakasa ni Racela.

Sa loob ng pitong araw ay makaka-tatlong laro ang Texters, at hindi pa inaasahang makakabalik si Troy Rosario na nagkasugat sa baba nang una ang mukhang bumagsak sa laro kontra Fuel Masters. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?