433

By

Babye na? Irving tumanggi sa Celtics

Hindi tinanggap ni Kyrie Irving ang natitira nitong player option sa Boston Celtics para sa susunod na season.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, magiging unrestricted free agent na si Irving sa parating na off-season, ibig sabihin ay pwede nang pumirma sa kahit anong koponang gustuhin nito sa pagsisimula ng free agency period sa June 30.

Saad ni Charania, inaasahan umano ito ng Celtics at gagawin ang makakaya para muling mapapirma ang former Rookie of the Year.

Malakas ang ugong na posibleng sa Brooklyn Nets ang susunod na destinasyon ng six-time All-Star, napaulat na balak kunin ng Nets si Mike Miller, na matalik na kaibigan ni Irving, para makumbinsi itong lumipat sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?