201

Jan 18, 2021 @ 15:31
By

Baby tinuklaw ng cobra, patay

Walong buwang gulang na sana ang isang sanggol sa Davao del Norte ngayong Lunes.

Kaso pumanaw siya matapos makagat ng isang cobra.

Napaulat na noong Huwebes ng tanghali, Enero 14, iniwan ng nanay ang anak sa terrace ng kanilang bahay sa bayan ng San Isidro kasi kukuha siya ng kanin.

Tapos bigla na lang daw humagulgol ang bata, at matapos ang ilang minuto ay nangitim na.

Ang akala ng nanay ay aso ang kumagat sa baby, pero nadiskubre nila ang isang cobra nang wasakin ang sahig sa bandang higaan ng anak.

Doon na umano lumabas ang ahas mula sa flooring. Pinatay na ito para hindi na makatuklaw ng iba pang residente.

Samantala, nilibing na ang 7-buwang baby noong Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?