195

Dec 19, 2017 @ 15:16
By

Baby Talitha tsikadora, maingay

Bakas sa mukha ni Vic ang ligaya nang tanungin siya tungkol sa kanyang bunsong anak na si Talitha Maria. Mabilis at matunog na “O siyempre!” ang sagot ni Vic nang itanong kung hands on father siya sa anak nila ni Pauleen.

“Doon siya natutulog sa kuwarto namin. Tuwing gigising ‘yon para kumain o magpalit ng lampin, nagigising din ako.

“Hindi naman siya iyakin. Maingay siya, parang tsikadora eh. Hindi ko lang alam kung kanino nagmana pero tsikadora.

Marami siyang mga sound effect,” ang kuwento ni Vic na nagbahagi ng opinyon tungkol sa mga adjustment sa bagong chapter ng buhay niya.

“There’s always room for adjustments, sa kahit na kaninong pamilya, kahit na anong klaseng relationship, sa husband and wife, sa mga anak.

“Wala naman ‘yung dumarating ka sa level na oops, this is it. There’s always room for improvements, you always have to adjust. It’s a life long activity na mag-a-adjust ka.

“‘Yun ang isa sa mga tinackle ng Meant To Beh. To begin with, hindi kami magkatugma ng mga gusto. Siya (Dawn Zulueta), mga artisanal, mga chuvaness kemerut. Ako, danggit lang.

“‘Yung istorya namin, seryoso but we presented it in a very light manner na matatawa ang mga tao. Mae-entertain ang mga tao. At the same time, may tama somewhere,” ang paliwanag ni Vic tungkol sa filmfest movie niya na ngayong gabi ang red carpet premiere sa Cinema 9 ng SM Megamall. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?