554

Dec 11, 2017 @ 13:32
By

Baby Talitha nina Bossing-Poleng, knockout sa binyag niya

Ginanap ang binyag ng anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto, si Baby Talitha, sa simbahan kung saan sila ikinasal ni Bossing nu’ng Sunday.

Ibinahagi ni Poleng sa kanyang Instagram ang isang ritwal sa binyagan na binubuhusan ng tubig ang bata. Si Father Jeff ang siyang nagbinyag kay Baby Tali.

Ayon sa caption ni Pauleen sa close up pic ng anak, “Knock out from today’s baptism and lunch. She was such a good girl! I love you, anak! #TalithaMaria.”

Isa sa ninang si Ruby Rodriguez. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?