551

By

Baby Talitha mas sikat kaysa Mommy Pauleen at Daddy Vic

Ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang pinakasikat na baby sa buong Clan nang mga Sotto.

Mas sikat pa nga si Talitha Maria sa kanyang superstar father na si Vic at sa host mom, dahil halos lahat ay umaasam na sana ay makita siya at mayakap ng mga taong malalapit sa mag-asawa.

Kamakailan lang, kinarga ni Danica ang kanyang bunsong kapatid sa ama nang dalawin nito ang bata sa bahay nila Pauleen.

Ngayon naman ay nakaposte sa Instagram wall ni Pauleen na karga-karga naman ito ng isa pa sa mga anak ni Vic sa ibang nanay na si Paulina.

Masisilip sa larawan na hindi lang karga kundi yakap-yakap pa ni Paulina ang kapatid sa kanyang dibdib.

Happy ang mode ni Paulina sa eksenang ito lalo’t sarap na sarap ang natutulog na sanggol sa kanyang ate.

Nasa tabi ni Paulina ang kanilang daddy ni Talitha na si Vic.

Ang malusog na pangangatawan ni Talitha at ang namimintog nitong pisngi sa katabaan ang isa lang sa pinanggigilan ng marami sa kanya.

Dagdag pang kamukhang-kamukha ito ni Pauleen hindi lang ang ilong pati na rin ang bibig nito.

Hindi nga napigilan nang soon-to-be-mom na rin na si Isabelle Daza ang manggigil sa kanyang comments.

Pinansin ni Isabelle ang mala-siopao sa laki ng pisngi ni Talitha na talaga namang napaka-cute.

Aliw na aliw naman si Pauleen sa braso ng anak na parang sa longganisa kaya naman ang hashtag nito sa close photo ng anak ay #longganisaarm.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?