375

Nov 9, 2017 @ 14:16

Baby Tali nina Bossing at Pauleen, ipinakita na

Gaya ng inaasahan, ipinakita na ni Bossing Vic Sotto ang larawan ng kanilang anak ng misis na si Pauleen Luna sa programang ‘Eat Bulaga’ kanina.

Cute na cute ang baby nina BosLeng na tabachingching.

Nauna nito’y binati muna ni Vic ang kanyang misis na si Poleng dahil ngayon ang kaarawan nito.

Matatandaan na umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang pahapyaw na pagpapakita sa baby lalo na ang post ni Ruby Rodriguez sa Instagram account nito.

Natuwa naman ang ilan na sa wakas ay nasilayan na nila ang baby nina Pauleen at Vic.

Komento ng isang follower ni Pauleen sa Facebook: Oh ung mga nagsasabi na OA sila bossLeng d kau makapaghintay! Ayan super cutie baby Tali!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?