189

Mar 19, 2020 @ 20:51
By

Baby sa Sultan Kudarat, pinangalanang ‘Covid Rose’

Dalawa nang sanggol ang isinunod ang pangalan sa coronavirus disease (COVID-19), na patuloy sa pamemerwisyo sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.

No. 1 trending ito sa Twitter Philippines nitong Marso 19 matapos ibahagi ni @ramyeonduo ang screenshot ng birth certificate ng sanggol sa social media.

Makikita sa birth certificate na “Covid Rose” ang pinangalan ng ina sa kanyang anak.

Magugunitang nag-trending dinsa sa social media ang isang post kung saan isang nanay umano ang nagpangalansa kanyang anak ng “Covid Bryant”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?