148
Baby plans, sexuality ni Miley Cyrus dahilan ng pakikipaghiwalay kay Liam?
Aug 12, 2019 @ 14:33
By

Baby plans, sexuality ni Miley Cyrus dahilan ng pakikipaghiwalay kay Liam?

Inanunsiyo ni Miley Cyrus noong Sabado ang pakikipaghiwalay sa kaniyang asawang si Liam Hemsworth upang magfocus sa kanilang mga sarili at sa kanilang careers.

Matatandaang naiulat noong July 2018 na naghiwalay din ang dalawa dahil umano sa argumento tungkol sa planong pagkakaroon ng anak.

Ayon sa report ng Daily mail, sinabi umano ng isang source sa OK! Australia na habang gusto nang maging isang ama ni Liam ay hindi naman umano handa si Miley na magkaroon ng anak.

Nang panahong iyon ay itinanggi ng dalawa ang bali-balitang sila’y naghiwalay. At noon ngang December 2018 ay tahimik na nagpakasal ang mga ito sa Tennessee.

Ngunit muling naungkat ang isyu ng baby plans sa interview kay Miley ng US Elle Magazine nitong July 2019.

Saad ni Miley sa publication, ayaw muna niyang manganak dahil sa global warming.

Nabanggit din ni Miley na matindi pa rin ang atraksyon na nararamdaman niya sa kapwa niya babae.

“I’m in a hetero relationship, but I still am very sexually attracted to women… I definitely don’t fit into a stereotypical wife role. I don’t even like that word,” saad ni Miley.

Samantala namataan noong July si Liam na nagkakape nang mag-isa sa Los Angeles at wala na umanong suot na wedding ring ito.

Ganoon din naman si Miley na naging kapansinpansin umao sa sa kaniyang mga Instagram snap nitong mga nagdaang araw na wala na ring suot na wedding ring.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?