26

Sep 11, 2021 @ 16:46
By

Baby pinatay sa gutom ng nanay

Patay ang isang sanggol na babae matapos itong iwang mag-isa sa bahay ng kanyang ina para makipag-party ng anim na araw.

Ayon sa The Sun report, nakunan ng CCTV si Verphy Kudi, 19, nang iwan ang 20-month-old na anak na si Asiah.

Nag-party party umano sa London, Coventry at Solihull si Kudi ng anim na sunod na araw noong December 2019.

Nang bumalik siya sa bahay, tumawag si Kudi sa 999 at sinabing: “Help, my baby is not waking up.”

Itinakbo si baby Asiah sa Royal Alexandra Children’s Hospital sa Brighton pero dineklarang dead on arrival.

Lumabas sa isinagawang awtopsiya na pumanaw ang sanggol dahil sa dehydration, gutom at influenza.

Nakakulong na si Kudi sa HMP Bronzefield sa Ashford, England.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,