By

Baby, patay sa pananambang ng NPA

Sharing is caring!

Nasawi ang apat na buwang gulang na sanggol matapos na barilin sa noo ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Tikalaan, Talakag Bukidnon kahapon.

Nakilala ang sanggol na si Machorao Malysha na nasawi alas-5:30 ng hapon kahapon.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, ang tagapagsalita ng Philippine National Police Region 10, maliban sa sanggol ay sugatan din sa pananambang sina Ali Citi, 53, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kanang suso, at Ali Aminsalam, 37, na may tama ng bala sa kanang braso.

Aniya, ang mga biktima ay sakay ng kulay grey na Toyota Fortuner na may plate number UNI-707 nang tambangan ng mga miyembro ng NPA.

Sa pananambang ng NPA, napatay din ang isang pulis at sugatan ang apat pa.

Kinilala ang nasawing pulis na si SPO3 Arnel Carillo habang ang sugatan ay sina Police Inspector Joven Acuesta, hepe ng Bombaran Municipal Police Station sa Lanao del Sur; SPO1 Pacifico Cabudoy; PO1 Nathaniel Ibal at Alexander Maniscan.

Ang mga sugatang ito ay patuloy na ginagamot sa mga ospital sa Bukidnon at Cagayan de Oro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?