bangs

Baby ni Bangs Garcia, bininyagan sa England

Sharing is caring!

Ginanap ang binyag ng baby girl ni Bangs Garcia sa asawang British-Filipino na si Lloyd Birchmore sa England.

Ipinoste ni Bangs ang ilang larawan at video sa naganap na binyag ni baby Amelia noong Mayo 20 sa kanyang Instagram account.

“My precious daughter, Amelia, may your heart be kind, your spirit strong to see the good and right the wrong. May Lord Jesus create an armour of grace and luck around you that will protect and keep you safe all your life,” sabi ni Bangs sa larawan kung saan karga ng kanyang mister si Amelia habang katabi siya.

Nag-post din ng video ni baby Amelia ang aktres kung saan itinabi niya ito sa picture niya noong baby pa siya.

“I’m so happy Amelia is baptized already!!! Gutted I couldn’t pass on to Amelia my #BaptismDress coz it’s in Davao City but I’m glad anyhow I’ve found something quite similar to what I was wearing in 1987,” sabi ni Bangs sa caption ng magkatabing larawan at video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?