1,678
Baby nakulong sa SUV, iniligtas ng preso
By

Baby nakulong sa SUV, iniligtas ng preso

Nagamit ng isang bilanggo sa kabutihan ang talento nito sa pagnanakaw sa loob ng sasakyan matapos sagipin ang isang sanggol na na-trap sa SUV.

Ayon sa report, naiwan ng ama ng 1-year-old baby ang susi nito sa front seat habang ang kanyang anak ay naka-strap pa sa car seat kahapon, Pebrero 17 sa Florida.

Saka lang niya napagtanto na na-lock ang anak matapos niyang isara ang likod na pinto ng sasakyan.

Masuwerte namang may mga preso na nagsasaayos ng daan sa kinaroroonan ng mag-ama.

Agad sumaklolo ang mga inmate kasama ang mga pulis sa mag-ama.

Isa sa mga bilanggo ang nagawang buksan ang pinto ng sasakyan sa pamamagitan ng hanger.

Naidokumento ng Shadow Lantry ang pangyayari at ibinahagi ito sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?