60

By

Baby Malia, pipiringan ni Pokwang sa animal shows

Sharing is caring!

Hayagang sinabi ng komedyanang si Pokwang ang hindi nito pagsuporta sa mga animal show o circus.

Sa kanyang Instagram sinabi nitong, ipinangako umano niya sa sarili na kailanman ay hindi niya papayagang makanood ng animal in circus ang kanyang anak na si Malia dahil sa asal-hayop umanong pagtrato sa mga hayop.

Dito ipinoste niya ang larawan ng isang elepante na may sugat sa paa at nakatali ng kadena.

“Pangako ko sa sarili ko at kay [Malia] hinding hindi ko sya hahayaang mapanood ang mga ganitong animal show or circus!” sabi ni Pokwang sa caption.

“Hindi natin dapat sinusuportahan ang kahit na anong animal shows!” sabi pa nito.

Si Baby Malia ay anak ni Pokwang sa partner na si Lee O’Brian.

Mag-iisang taon na ang sanggol sa January 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }
Tags: