407

Oct 26, 2017 @ 11:24

‘Baby love’ nina Ellen at John Lloyd nabuo sa Switzerland

May positive effect pa kaya ang pag-amin ni Ellen Adarna na may relasyon nga sila ni John Lloyd Cruz? Pagkatapos ng mga maeskandalong post nila sa social media, siguro naman ay matagal nang naisip ng marami na may kung anong relasyon sila.

May mga nagsasabi na twisted and crazy ang pagsasama ng dalawa, pero mukhang wala nang pakialam si JLC sa mangyayari sa career niya dahil mukhang ini-enjoy niya ang kanyang indefinite leave sa showbiz.

Parang wala na ring pakialam si JLC kung may mga trabaho siyang nawawala. Para siguro sa aktor, ang mahalaga ay kasama niya ang kanyang minamahal na si Ellen. Kelan lang ay nag-post sila ni Ellen sa Instagram ng kanilang bakasyon sa Switzerland.

Anyway, nabuo nga ang tawag ni Ellen kay JLC na baby love. ‘Yan nga ang sweet na sweet na term of endearment ni Ellen kay JLC, ha! Ang sweet, ‘di ba?

Nasabi na rin ni JLC na may nagawang maganda si Ellen sa buhay niya kaya kesehodang ma-bash sila, basta puno sila ng love, love, love. (RUEL MENDOZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?