94

Apr 8, 2021 @ 11:24
By

Baby Jude nilait: Markus, Janella binida ang basher

In-expose nina Markus Paterson at Janella Salvador ang mga nang-asar sa itsura ng kanilang panganay na si baby Jude.

Sa Twitter, naglakip ng screenshots ang aktor ng mga komento ng ilang Facebook netizen tungkol sa sanggol.

“People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya’ll making fun of a NEWBORN,” sey ni Markus kahapon.

“Not gonna erase the names, proud nyo eh,” dagdag niya.

May solo shout-out naman ang aktres-singer sa isang basher na nagngangalang Gabriel Anunciacion.

“Your humor must be really fucked up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me,” tweet ni Janella.

“You sure about making fun of Jude’s face? You sure, bud? Sure na? Yikes,” aniya pa.

Nag-update naman si Salvador sa kanyang 3.4 million Twitter followers at sinabing nag-sorry na sa kanila si Gabriel, ang nanay nito, at ilan pang nag-comment sa post ng basher.

“We do accept their apology, however, I hope this is a lesson learned for them to be responsible and kind on social media,” ayon pa kay Salvador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?