37

Oct 21, 2018 @ 16:41
By

Baby Go pinarangalan sa International Film Festival Manhattan

Muli na namang tumanggap ng parangal ang tinaguriang ‘Indie Queen’ na si Baby Go. This time, ito ay mula sa International Film Festival Manhattan na binigyan ang lady boss ng BG Productions International ng Lifetime Achievement award.
Sobra ang kagalakan niya at pasasalamat sa IFFM sa ibinigay sa kanyang pagkilala.
Saad ni Ms. Baby, “Nagpapasalamat ako sa International Film Festival Manhattan for the Lifetime Achievement Award that they gave me. Nagulat nga ako sa award na iyan, nakakataba kasi ng puso na kinikilala tayo, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
“Mabuhay ang IFFM 2018!”
Bumiyahe pa si Ms. Baby sa Amerika para tanggapin personally ang kanyang award sa New York. Kaya hindi siya nakapunta sa prestihiyosong 34th Warsaw Film Festival.
Halos sabay kasi ang International Film Festival Manhattan at Warsaw film fest na ang pelikula ni Ms. Baby na ‘School Service’ ay naging kalahok naman.
Ang Warsaw International Film Festival ay isang A-list film fest na kaliga ng Cannes, Berlinale, at Venice.
 
Ang School Service ang nagpanalo kay Ai Ai delas Alas ng Best Actress sa nakaraang Cinemalaya.
 
Posibleng ang next movie ni Ms. Baby na ipalabas ay ang ‘Latay’ ni Direk Ralston Jover na tinatampukan nina  Allen Dizon, Lovi Poe at Mariel de Leon.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: