56

By

Baby ginilitan ng nanay, sinipsip ang dugo

Sharing is caring!

Depresyon umano ang sanhi ng pagkabaliw ng isang ina makaraang gilitan at sipsipin pa umano ang dugo ng sariling pitong buwang gulang na sanggol na anak sa loob ng bahay nito sa Sitio Alang-alang, Barotac Viejo, Iloilo.

Ayon kay Barotac Nuevo Police Chief Insp. Joven Arevalo, nakakulong na ang hindi muna pinangalanang ina, 28-anyos, habang handa namang sampahan ng kaso ng asawa nito ang umano’y nabaliw na asawa na pumatay sa sarili nilang anak.

Batay sa report, umalis ang asawa nito para manguha ng gulay sa bukid at iniwan ang asawa’t anak sa bahay.

Ayon sa salaysay ng anak, inutusan umano siya ng ina para manghiram ng gunting at dulos o ‘trowel’ sa kapitbahay. Hindi umano nito inaasahan na may gagawing masama ang ina sa kanyang nakababatang kapatid.

Nabatid na ginamit ang dulos at gunting bilang panghiwa sa leeg ng sanggol na anak.

Ayon sa asawa, pagkauwi niya ng bahay ay nakita niyang duguan ang damit ng asawa at bibig nito at pagkakita sa bandang kusina ay nakita niya ang wala nang buhay na sanggol na anak na nakahiga sa lababo.

Hinala ng asawa na ininom ng misis ang dugo ng anak dahil maging ang bibig nito ay may bahid ng dugo.

Sinabi naman ni C/Insp. Arevalo na pinaniniwalaang nakaranas ng ‘depresyon’ ang babae dahil palagi umanong nag-aaway ang mag-asawa.

Sinabi ng asawa nito na napapansin niya ang kakaibang kilos ng asawa at palaging hindi mapakali.

Kasalukuyang nakakulong ang misis sa Barotac Viejo Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa ng sariling asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?