125

Dec 14, 2017 @ 13:08
By

Baby Alas nina Kylie at Aljur, ‘behave’ kay Robin

Kung dati ang kanyang anak na si Isabela ang palaging laman ng kanyang Instagram wall, ngayon naman ay inilalaan ni Robin ang espasyo ng socmed niya para sa apo niyang si Alas.

Mag-iisang linggo nang laging nakabalandra sa IG wall ni Robin ang kanyang apo sa anak na si Kylie.

Ang mga larawan ay kuha sa isang wedding kung saan dumalo si Robin at naroon din si Kylie kasama ang kanyang baby son.

Para ngang buong linggo nang karga-karga ni Binoy ang apo niya dahil ito lang ang lumalabas palagi sa kanyang IG wall na sa iba-iba pa ngang anggulo, may nakaupo, nakatayo at hinahalikan nito sa ulo ang apo.

Magkakasunod ang posting ni Robin sa photo nila ni Alas, kahit walang kinalaman ang caption sa photo.

Mukha namang kilala na ni Alas ang kanyang lolo dahil nasa mukha nitong behave na behave ito at nakatingin lang sa paligid.

Ang gandang pagmasdan ni Robin na karga-karga niya ang baby. Ang cute din naman ni Alas dahil bukod sa namana nito ang kutis ng ina niya, napakaguwapo rin naman nito na siguradong paglaki, mas mahihigitan pa niya ang kakisigan ni Aljur Abrenica.

Sa photo posting naman ni Kylie sa kanyang IG na hinahalikan sa photo ni Robin ang ulo ni Alas, ipinakilala ng aktres ang dalawa.

@kylienicolepadilla, “The Grandfather”. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?