108

Jan 9, 2022 @ 18:56
By

Baby aksidenteng naturukan ng COVID bakuna

Nabalot ng pangamba ang ina ng isang anim na buwang gulang na sanggol sa Sta. Maria, Bulacan matapos itong aksidenteng maturukan ng COVID vaccine.

Ayon sa ulat ng ’24 Oras’ dapat ay pneumococcal vaccine ang ituturok sa sanggol noong Disyembre 29.

Matapos makumpirma na COVID vaccine pala ang naiturok, nangamba ang ina ng bata lalo na nang lagnatin ito.

“‘Yung future effect po kay baby kasi siyempre, baby pa ‘to. So ‘yung mga internal organs niya baka hindi kaya ‘yung gamot,” saad ng ina ng baby.

Hinala ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, napagsama ang dalawang klase ng bakuna sa pinaglalagyan nitong refrigerator.

Iniimbestigahan na kung may pagkukulang ba ang mga nagbabakuna sa pangyayari.

Sa ngayon, ang mga sanggol ay hindi pinapayagang turukan ng COVID vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?