91

Feb 15, 2020 @ 16:52
By

Baboy na Pinoy namulat sa coronavirus – solon

Naging wake-up call o nagpamulat sa mga baboy na Pinoy ang coronavirus (COVID-19), ayon kay Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera.

Naniniwala ang lady solon na ang pag-atake ng COVID-19 ang naging daan para mamulat ang mga Pinoy ukol sa kahalagahan ng kalinisan partikular ang panatilihing laging paghuhugas ng kamay at personal hygiene.

Hindi umano mapagkakaila na ang mga Pinoy ay hindi pinapahalagahan ang kalinisan o personal hygiene bukod sa karamihan ay binabalewala pag may nararamdaman at pumapasok pa rin sa trabaho kahit may sakit.

Maging mga estudyante kahit may sakit ay pumapasok pa rin at hindi alintana na maaaring makahawa.

“I believe this COVID-19 debacle has become a wake up call to Filipinos that they should always practice proper handwashing, personal hygiene, and stay at home when they are sick,” ayon kay Herrera.

Bukod dito, nagiging mapagmasid na ang lahat at agad nang nagpapatingin sa doktor kapag may naramdaman taliwas sa ugali ng marami na nagpapatingin lamang kapag malala na ang kondisyon.

Dahil dito, dagdag ng solon, ang COVID-19 ay nagbigay din ng malaking tulong at positibong pagbabago sa ugali ng mga Pinoy pagdating sa kalinisan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?