8

Nov 18, 2020 @ 13:16
By

Baboy mula Luzon bawal pa rin sa Cebu

Magpapatuloy ang ban sa Cebu ng mga baboy at pork products na manggagaling sa mga lugar na may kaso ng African Swine Fever (ASF).

Sabi ni Governor Gwendolyn Garcia, kailangan pa ring sundin ng madla ang kanyang mga executive order hinggil sa ban sa mga produktong baboy mula Luzon at iba pang lugar na tinamaan ng ASF hanggang dumating ang panahon na kailangan na itong tanggalin.

Desisyon niya ito habang papalapit na ang Kapaskuhan, kung kailan inaasahang tataas ang demand sa mga pork product.

Samantala, tiniyak ni Provincial Veterinarian Dr. Mary Rose Vincoy sa publiko na hindi magkukulang ang suplay ng mga produktong baboy sa Cebu kahit pa may ban.

Ito aniya ay dahil pansamantalang tigil-operasyon ang mga hotel at kainan dulot ng pandemyang COVID-19.

“We actually have an oversupply due to the pandemic,” sambit pa ni Vincoy sa isang ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?