472
Babanggain sina Donaire, Spence, Alvarez! Pacquiao nominado sa Fighter of the Year
Dec 22, 2019 @ 14:38
By

Babanggain sina Donaire, Spence, Alvarez! Pacquiao nominado sa Fighter of the Year

41-anyos na si Manny Pacquiao, ngunit hindi pa rin ito sagabal para maihanay ang kanyang pangalan sa mga boksingerong nasa kanilang prime.

Kasama ang pangalan ng ‘Pambansang Kamao’ sa mga nominado sa primyadong parangal ng Boxing Writers Association of America na Fighter of the Year.

Ito’y matapos ang dalawang malakas na performance ng fighting senator kontra kina Adrien Broner kung saan niya dinepensa ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title at giniba din si Keith Thurman para naman masungkit ang WBA super welterweight championship.

Makakabangga niya para sa nasabing award sina Canelo Alvarez, Nonito Donaire Jr at nakalaban nitong si Naoya Inoue, Errol Spence at Josh Taylor.

Dati nang sinungkit ni Pacquiao ang parehong parangal noong 2006, 2008 at 2009, habang huling Pinoy naman na nakahawak nito ay si Donaire noong 2012.

Isa din si Pacquiao sa mga nominado para sa Joe Louis Fighter of the Decade, pati na rin sa Muhammad Ali-Joe Frazier Fight of the Year para sa kanilang bakbakan kontra Thurman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?