93

Oct 13, 2021 @ 14:47
By

Babalik sa radyo! Chief of staff ni Yorme nagbitiw

Nagbitiw sa kanyang pwesto bilang chief of staff ni Mayor Isko Moreno si Cesar Chavez ngayong Miyerkoles.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Chavez may nag-alok sa kanya ng pagkakataong makapagtrabaho bilang radio broadcaster.

“I told Mayor Isko about the offer, and my intention to accept the same,” ani Chavez.

“So happy to be back to my first love, radio broadcasting. Am done now with my other love, the government,” dugtong pa niya.

Pinasalamatan din niya ang alkalde sa pagkuha sa kanya bilang chief of staff.

“Salamat Yorme sa pag-unawa, at pagkatataon makapagtrabaho sa Maynila. Napakaraming magagaling at matitino sa city hall. Maraming salamat sa inyo,” wika ni Chavez.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Moreno na kalusugan ang isa pang dahilan kung bakit nagbitiw si Chavez.

“Nagkaroon siya ng health reason, that’s one. Two, he has to attend to his family, so ayaw kong nagi-interfere kapag pamilya na eh, syempre kaya ka nga naghahanap buhay dahil sa pamilya mo eh, and I respect that,” wika ng alkalde.

Si Moreno ay tatakbong pangulo sa 2022 elections. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?