35

Apr 16, 2020 @ 16:02
By

Babalik lang sa normal kapag may bakuna na sa COVID – UN chief

Isa lang ang nakikitang paraan ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres para magbalik na sa normal ang mundo sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ito ay ang pagkakagawa ng bakuna, na nais niya sanang matapos bago matapos ang taon.

“A safe and effective vaccine may be the only tool that can return the world to a sense of ‘normalcy,’ saving millions of lives and countless trillions of dollars,” saad ni Guterres sa video conference kasama ang 50 o higit pang African country.

“We need an ambitious effort to ensure that international stakeholders operate through a harmonized, integrated and leveraged approach to maximize the speed and scale needed for the universal deployment of such a vaccine by the end of 2020,” aniya pa.

Noong March 25, nanawagan si Guterres ng $2-billion na donasyon para sa humanitarian response ng UN, at nasa 20-percent na umano ng nasabing halaga ang kanilang nalilikom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?