564
Relasyon ng Senado at Kamara, mas mahusay sa pamumuno ni Speaker Alvarez - Sotto

Babala ni Sotto sa mga ‘obsessed’ na magkasakit si Duterte: Mag-ingat sa karma!

Tanong ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Linggo, bakit nga ba ang ilan ay obsessed na obsessed sa kanilang kagustuhan na magkasakit si Pangulong Rodrigo Duterte?

Ani Sotto, mag-ingat ang mga ito na baka karmahin sa kanilang ginagawa.

Naglabas ng pahayag si Sotto matapos na ang espekulasyon na na-ospital si Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa Sa Juan City ay naging maugong sa social media.

Pinabulaanan naman ng Palasyo ang naturang balita at naglabas pa nga si Bong Go ng mga larawan kasama ang Pangulo.

“Why are some people so obsessed in wanting PRDD (President Rodrigo Roa Duterte) sick. It’s bad for the country. Ingat kayo. Baka makarma kayo,” ani Sotto.

Ang naturang balita ay kumalat matapos na ilang araw nanamang hindi nagpapakita sa publiko ang Pangulo matapos itong bumoto noong Mayo 13.

(Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?