43

By

Babala ni Romero: Solar firm ni Leviste, lilikha ng dambuhalang monopolyo

Sharing is caring!

MANILA – Nagbabala si 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero na lilikha ng isang dambulahang monopolyo sa sektor ng enerhiya ang Solar Para sa Bayan Corporation (SBPC) kung papayagan ng Kongreso ang kanilang legislative franchise application.

Ayon kay Romero, masyadong garapal ang hinihinging kondisyon ng SBPC sa ilalim ng House Bill 8179 dahil katumbas ng isang ‘master franchise’ ang nais makamit ng kompanya na magbibigay sa kanila ng karapatang mag-operate sa buong bansa ng walang limitasyon.

“SBPC would stand alone as the only power franchise that is not regulated by any other government agency (if their franchise application will be approved by Congress). A god among the mortals,” sabi ni Romero.

Giit ni Romero, isang ‘blanket authority’ ang ibibigay sa SBPC kung sakaling aprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang prangkisa ng kumpanya na magbibigay ng karapatan dito upang sapawan ang mga may kasulukuyang prebilehiyo sa ilalim ng EPIRA Law kagaya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at maging ang lahat 121 kooperatiba sa bansa.

“This law is actually bringing in a monopoly, or a super consortium, or a super corporation to the whole Philippine power sector,” sabi ni Romero.

Ang SBPC ay kompanya na pagmamay-ari ni Leandro Leviste, anak ni Senador Loren Legarda at dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Paliwanag ng bilyonaryong kongresista, karamihan sa nakapaloob sa panukalang prangkisa ng solar firm ni Leviste ang labag sa EPIRA Law dahil bukod sa power generation, nais din ng SBPC na magtayo ng mga ‘mini-grids’ kahit saan sa buong bansa, kahit pa ang mga pipiliin nilang lugar or rehiyon ang pinagseserbisyohan na ng mga kasalukuyang manlalaro sa industriya.

“The EPIRA Law has unbundled the whole power sector, this Solar Para sa Bayan Corporation bill bundled it again into one, the electric power distribution (and) the transmission (through their so-called mini-grids), as well as power generation into one super monopoly,” giit ni Romero.

Si Romero at 14 pang mambabatas ay naghain nitong Miyerkoles ng isang resolusyon upang muling ibalik ang aplikasyon ng SBPC sa House committee on legislative franchises na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz ‘Chicoy’ Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?