11,315

Jan 16, 2020 @ 18:08
By

Babala ni Espenido: Madugong kampanya kontra droga sa Bacolod, Western Visayas

Nagbabala si Bacolod City Police Office (BCPO) Deputy Director Police Lt. Col. Jovie Espenido na asahan ang madugong kampanya kontra iligal na droga sa mga susunod na buwan kung hindi titigil ang mga drug group sa lungsod at Western Visayas sa kanilang iligal na gawain.

Ito’y matapos na mamonitor ng pulisya ang operasyon ng ilang sindikato ng iligal na droga na nag-o-operate sa mga nasabing lugar.

“If they will not cooperate, expect a bloody operation against illegal drugs in Bacolod City and Western Visayas next month,” pahayag ni Espenido na kakabalik lang sa duty nitong nakaraang taon.

“We are encouraging them to cooperate with us or visit me at BCPO to help our President, the government to apprehend those who are involved in illegal drugs in order to stop the illegal drug problem without killings,” dagdag ng opisyal.

Saad ni Espenido, sa Bacolod City at Negros Occidental ay mayroon umano silang nakumpirmang anim na drug groups na ngayon ay mahigpit nilang minomonitor.

Kinilala ng pulisya ang mga nasabing grupo na Ramos Drug Group, Divinagracia Drug Group, Bacus Drug Group, Burgos Drug Group, Macundato Drug Group at Vetusio Drug Group.

Kuwento ni Espenido na base sa accomplishment ng BCPO, ang Bacolod City ay maituturing na shabu city patunay ang P18 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska nito lang nakaraang Linggo.

Araw-araw ay palagi umanong may huli sa iligal na droga sa Bacolod City pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahihinto ang problema.

“Let’s cooperate to address the illegal problem here, let’s unite for the people of Bacolod. We will wait for your information or call me at 0939-9189755 or 0917-5448277,” himok ni Espenido sa mga residente ng siyudad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?