55

Babala ng MPD: Mag-ingat sa Salisi!

Pinaalalahanan ng Manila Police District ang publiko na maging mapagmatyag ngayong nalalapit na ang Holiday Season.

Ito’y kasunod nang mga naitalang insidente ng pananalisi sa ibat-ibang establishments sa lungsod.

Partikular na naitala ang pag-atake ng mga salisi sa isang convenience store sa Malate kung saan isang Koreana ang natangayan ng bag nang siya ay malingat.

Nakuhanan ng CCTV ng convenience store kung paano tinangay ng magnanakaw ang bag ng Hindi na pinangalanang biktima.

Samantala, isa pang insidente ngpagnamakaw ang nakunan din ng CCTV sa Binondo Maynila.

Dahil sa insidente at dismayado ang Barangay chairman ng Malate na si JaimeAdriano na nagsabing pinahihiya ng mismong mga pilipino ang bansa dahil sa pagnanakaw.

Apela ni Supt. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD dapat doble Ingat ang publiko lalo’t ang nalalapit na holiday season ay “biggest opportunity ” sa mga masasamang loob para makapambiktima.

Pakiusap pa niya sa taumbayan na maging mapagmasid lalo na sa mga matataong lugar tulad ng Divisoria kung saan dagsa ang mga tao. Ricklove Villanueva

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?