288

Jun 26, 2022 @ 14:30
By

Babala ng Bayan Muna: Blackout sa buong isla ng Mindoro nagbabadya

Nagbabadya umanong kumalat ang blackout sa buong isla ng Mindoro kung hindi kaagad aaksyon ang mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate nararanasan na ngayon ng mga residente ng Occidental Mindoro ang blackout at hindi malayo na mangyari na rin ito sa Oriental Mindoro.

Sinabi ni Zarate na hindi pa rin ibinigay ng National Power Corporation (NPC) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang fuel subsidy para sa suplay ng kuryente sa isla.

“Just a few days ago, three power providers of the Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) failed to secure fuel supply from suppliers inside and outside the province that amounts to a power deficit of at least 18 Megawatts (MW), which means more brown outs are in the offing for the province. If this continues then a black out is not far off,” sabi ni Zarate.

Ayon kay Zarate ang isang 15 MW power generator ay gumagastos ng P5 milyon sa arawang operasyon nito. Kung wala umanong subsidiya ang gobyerno ay hindi kakayanin ng mga ito ang gastos dahil hindi makabibili ng sapat na produktong petrolyo bunsod ng mataas na presyo nito.

“For the sake of the people of the entire island of Mindoro, we are calling on the NPC and the ERC to act now to end as soon a possible the black out in Occidental Mindoro and to prevent a similar black out in Oriental Mindoro,” dagdag pa ni Zarate.

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?