32

Jun 10, 2021 @ 16:48
By

Babala kay Spence: Pacquiao delikado pa rin sa ring – Donaire

Hindi dapat makampante si welterweight champ Errol Spence Jr. sa banggaan nila ni Manny Pacquiao sa Agosto.

Ayon kay WBC bantamweight champ Nonito Donaire Jr, walang epekto ang edad ni Pacquiao sa magiging performance nito sa boxing.

Giit ni ‘Filipino Flash’, ang eight division world champion ay isa sa mga boksingerong na laging delikadong makaharap ng kahit sino sa loob ng ring.

“I believe with the proper training, proper mentality going into the ring. Pacquiao is one of those guys who’s always gonna be dangerous,” saad ni Donaire sa ‘The Game’.

Huling lumaban ang ‘Pambansang Kamao’ ay noon pang 2019 kontra Keith Thurman, kung saan nasungkit niya ang WBA super welterweight belt via split decision.

Susubukan niya ngayong patumbahin si Spence, ang kampeon sa IBF at WBC, at walang talo sa 27 laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?