247

Babala: Iwasang matulog ‘pag umaaligid si Kiefer Ravena

Sharing is caring!

Hindi uso kay NLEX guard Kiefer Ravena ang kasabihang “Mag-biro ka na sa lasing, ‘wag lang sa taong ‘di pa nagigising.”

Sa kanyang Instagram story, kwelang niloko ni Ravena ang kasama sa kotse habang malalim ang tulog nito.

Kumuha ang 24-anyos na basketbolista ng pantapik sa nananahimik na ilong ng kasama na ikanagising ng huli.

Kasalukuyang break muna sa PBA ang dating Ateneo stalwart dahil sa suspensiyon ng FIBA at makikitang nago-golf muna bilang pampalipas-oras. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?